3,888

By

Transgender woman nag-CR sa pambabae, kinaladkad sa mall

“May utin ka pa rin,” ito ang nirason ng isang staff ng mall sa transgender woman na si Gretchen Custodio Diez matapos siyang hindi payagang mag-CR sa restroom ng mga babae.

Sa Facebook live ni Diez, sinabi nitong binitbit at kinaladkad umano siya patungong ground floor ng Farmers Plaza ng mga staff matapos siyang harangin na mag-CR sa pambabae.

Pinosasan umano siya at dinala sa Camp Karingal sa Quezon City sakay ng mobile nitong Martes (August 13).

Nag-viral ito sa social media at binatikos ang pangha-harass kay Diez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?