57
patay-dead-body

Transgender tigok sa apartment sa Caloocan

Duguan at wala nang buhay nang datnan ang isang transgender woman sa kama ng kanyang nirerentahang apartment sa Bagong Silang, Caloocan.

Sa ulat ni ABS-CBN journalist Jervis Manahan, sinabing hindi malinaw kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng 27-anyos na kontesera na si Kyle Estrela.

Tantya ng kanyang pamilya, apat o limang araw nang patay si Estrela bago nila Nadiskubre ang bangkay.

Hustisya ang dulog ngayon ng pamilya sakaling may foul play ngang naganap sa pagpanaw ni Estrela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?