79

By

Trailer ng PH version ‘Miracle In Cell No. 7’ naka-9.6M views agad

Isang araw matapos maipalabas, mayroon na agad na 9.6 million views ang trailer ng pelikulang pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Bela Padilla and Xia Bernardo sa mga social media page.

Binalita ito ng Viva Films sa kanilang Instagram account.

“IN 1 DAY! Mula kina Lito, Yesha, at sa aming lahat, maraming salamat po sa inyong suporta sa teaser ng Miracle in Cell No. 7! #MiracleInCellNo7 opens December 25 in cinemas nationwide! This is an official entry to the 2019 Metro Manila Film Festival,” sabi ng Viva.

Samantala, 1,568,072 views naman ito sa YouTube as of Nov. 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?