1,116

By

Traffic sa Edsa ‘di kinaya! Angkas sinalba si Maris Racal

Niligtas ng ride-hailing app na ‘Angkas’ ang aktres na si Maris Racal sa matinding trapiko.

Sa kanyang tweet, tila na-stuck ang Kapamilya actress dahil sa rush hour traffic sa Edsa.

“ang saya ng Pilipinas” Masasabi mo kaya to pag stuck ka na sa edsa for 3 hours?” ayon kay Maris.


Ilang minuto ang nakalipas, nag-picture si Maris na sakay na ng motorsiklo ng Angkas.

“This is not a paid ad. All I can say is @angkas is really a life saver!!!!!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?