100

By

Traffic enforcer sinagasaan ng pulis-Davao, patay

Dead on the spot ang isang traffic enforcer matapos mabangga ng humaharurot na sasakyan ng pulis, Huwebes ng hapon sa Davao City.

Ayon kay Major Ronald Lao, Station Commander ng Talomo PNP, nakilala ang biktima na si Rey Sison, Traffic Management Center (TMC) personnel, residente ng Cabantian, Davao City matapos mabangga ng sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ni Julius Edpalina, residente ng Davao City at nagte-training sa Regional Training Center (RTC) sa Mintal, Davao City.

Base sa report, naganap ang insidente bandang 4:00 Huwebes ng hapon habang nakatayo ang biktima sa bypass road ng Barangay Maa at kinakausap nito ang nirerespondehang aksidente nang mabangga si Sison ng humaharurot na SUV na minamaneho ng pulis.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang traffic enforcer sa isang van na iniimbestigahan nito.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?