78
arrested2
By

Traffic enforcer sinabuyan ng tubig: Bastos na Vietnamese inaresto

Dinakip ng mga tauhan ng Makati City Police Station ang isang babaeng Vietnamese makaraang magwala at sabuyan ng tubig ang dalawang traffic enforcer, Lunes ng hapon sa lungsod.

Kasalukuyang nakakulong sa nasabing himpilan ng pulisya ang dayuhan na si Yenha Thi Thuy, 30-anyos, at nahaharap sa mga kasong alarm and scandal at disobedience, assault of agent of person in authority.

Batay sa ulat ng Makati City Police, alas-3:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa kanto ng Jupiter at Makati Avenue sa Barangay Bel-Air.

Lumalabas sa imbestigasyon, sakay ang suspect ng kanyang Ford Echo na may plakang AXA 2941 nang parahin ng mga traffic enforcer na sina Richard Redulfin at Daniel Cha dahil sa pag-beating the red lights.

Hindi naman makapagbigay ng driver’s license si Yenha dahilan para sabihan siya ng mga enforcer na mai-impound ang kanyang sasakyan.

Dito na nagwala ang dayuhang babae at sinabuyan pa ng tubig buhat sa bottled water ang mga enforcer.

Humingi naman ng tulong ang mga enforcer sa mga pulis na nasa lugar na nagresulta sa pag-aresto sa nagwalang dayuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?