53

By

Trade kay Butler wala pa ring linaw

Isang ‘precautionary rest’ ang ibinigay kay Jimmy Butler nang hindi ito maglaro sa Minnesota Timberwolves na nanalo kontra Utah Jazz, 128-125, Huwebes sa Pilipinas.

Sa panayam ng ESPN kay Butler, sinabi nito na ayaw niyang makasira sa paglalaro nito kasunod ng hindi pagdalo sa mga training camp dahil na rin sa iniindang injury.

“Because my body is hurting and I don’t want to go out there and risk an injury, people make stuff up? What are they going to do when I show up and hoop on Friday?” sabi ni Butler.

Sa Biyernes (Sabado sa Pilipinas) ay tutungong Bay Area ang Timberwolves para harapin ang Golden State Warriors.

Wala pa ring ginagawang aksyon ang pamunuan ng Timberwolves tungkol sa trade ni Butler pero may tatlong koponan na nagbigay ng interest dito, ang Houston Rockets, Miami Heat at Philadelphia 76ers.

May mga usap-usapan din na mismong si Timberwolves president at coach Tom Thibodeau ay hindi pa handa na maging seryoso tungkol sa napapabalitang trade.

“We knew going in that when you miss training camp like he did, that basically this is his training camp, so there’s soreness involved,” wika ni Thibodeau.

“We talk to him, see how he’s feeling. When he has soreness there’s going to be precautionary rest.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?