129

By

Trade hindi pinaalam! Josh Hart nabastusan sa Lakers

May tampo si NBA shooter Josh Hart sa kanyang dating koponan na Los Angeles Lakers.

Sa kanyang ‘LightHarted’ podcast kasama si Lonzo Ball, unang nagpatama si Hart sa LA.

“It’s like hella gloomy, nobody smiles, it’s like everybody just hates that they’re there. I’m like ‘damn.’ I had to get out of there, bro,” pakli ni Ball noong magpunta ng Lithuania.

“Sounds like L.A,” biglang sambit naman ni Hart.

Nilinaw naman ni Hart na sa isang tao lang siya naiinis sa Lakers, ngunit isang araw ang nakalipas ay lumabas na ang tunay na kinababanasan ng manlalaro.

Aniya, dapat man lang daw ay tinawagan siya ng Lakers sa nilutong trade kasama siya para kay New Orleans Pelicans star Anthony Davis.

“I played my ass off for the purple and gold. Played hurt and never had an excuse. I’m truly grateful to the Lakers organization and I do understand the NBA is a business,” ayon sa 24-year old gunner.

“But as a player you just want the courtesy of a phone call saying I got traded and not finding out on Twitter,” giit nito.


Maraming sang-ayon sa sinabi ni Hart, ngunit dumepensa naman ang ngayong nasa Lakers na si Jared Dudley.

“GM call the league to make the trade final. Multiple people know about the trade before it’s goes down and front office/agents leaked it to who they want. It’s not wrong but hopefully the organization calls you after to thank you for everything you did for them,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?