195

By

‘Totortyurin lang ako!’ Sison hindi uuwi sa ‘Pinas

Hindi umano uuwi sa Pilipinas at magpapahulog si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison sa “patibong” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

May ilan kasing nagsasabi na umuwi na lang siya para malitis na sa mga kasong sinampa laban sa kanya.

“No, that’s foolish for me to enter the trap of Duterte,” ani Sison.

“I don’t think I will get any fair trial in the Philippines. I will be subjected to torture, physical and psychological,” dagdag nito.

Sinabi ito ni Sison sa panayam sa ANC ngayong Miyerkoles, Setyembre 11.

Sa ngayon, magta-tatlong dekada nang naka-self-exile si Joma sa the Netherlands kasama ang asawa nitong si Julie de Lima.

Sinampahan ng isang Manila court noong nakaraang linggo si Sison, kasama ang 37 iba pa, para sa “Inopacan Massacre,” isang pagpupurga ng mga miyembro ng CPP na inakusahan ng iba’t ibang kaso sa Leyte noong dekada 1980s.

Dahil dito, humingi ng tulong ang Philippine National Police sa International Criminal Police Organization para maaresto si Sison.

Ayon kay Sison, tiwala siyang hindi siya made-deport sa Pilipinas man o sa iba pang bansa dahil protektado siya ng United Nations’ Refugee Convention and the European Convention on Human Rights.

“No international authority can override the fact that I am in the Netherlands and within the jurisdiction of the Netherlands,” saad ni Joma.

“There’s no way I can be extradited. I enjoy absolute protection from being deported from the Netherlands whether it is to the Philippines or a third country,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?