608

Mar 27, 2020 @ 9:17
By

Total lockdown itinanggi ng Palasyo

Nanawagan sa publiko si IATF Spokes at Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles na huwag paniwalaan ang kumakalat na pekeng balita na magkakaroon ng total lockdown kung saan isasara ang lahat ng palengke at hindi na papayagan lumabas ang mga tao.

Kasabay nito,nagbanta si Nograles na hahabulin at papanagutin ang lahat ng nagpapakalat ng pekeng balita.

Ang gusto nga umano nila ay mapadali ito ng matapos na.

Gayundin ay inasa nila sa mga LGUs ang pagpapatupad ng patakaran para hindi dumagsa ang mga tao sa palengke.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?