66
toronto-police

Toronto police, hinangaan sa hindi pagbaril sa van suspect

Umani ng mga papuri ang isang pulis Toronto matapos nitong magpigil at hindi barilin ang suspek sa nangyaring pananagasa sa mga naglalakad sa mataong intersection ng Toronto, Ontario, Canada.

Namatay sa insidente ang sampu katao habang may ilan pang sugatan.

Sa video footage na lumabas, makikita ang pulis na nakatitig lang sa suspek habang nakatutok ang baril niya rito sa gitna ng kalye at pinasusuko.

Habang nakatutok din ang baril ng suspek sa pulis, sumigaw ang una ng “Kill me.”

Sumagot naman ang pulis ng, “No, get down.”

Nang sabihin naman ng suspek na, “I have a gun in my pocket,” sumagot ang pulis ng: “I don’t care. Get down.”

Hinangaan ang ginawang ito ng pulis dahil sa halip na barilin ay mas pinili nitong arestuhin ang suspek na nakilalang si Alek Minassian, 25, ng Richmond Hill.

Magandang halimbawa umano ang ipinamalas ng pulis sa gitna ng kaguluhan.

Tumanggi naman ang Toronto Police Service na sabihin ang pangalan ng naturang police officer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?