70

By

Top 6 most wanted nanlaban, todas sa QC

Binaril at napatay ng mga operatiba ng Novaliches Police ang isang sinasabing top 6 most wanted makaraang manlaban habang isinisilbi ang search warrant laban sa kaniya sa Barangay Sauyo, Novaliches, Quezon City, nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay PLt. Col. Rossel Cejas, hepe ng Novaliches Police Station 4, tinuturing na top 6 most wanted drug personality ang napatay na nakilalang si Riyad Sunga, residente ng No 267 Saturnina Compound, Brgu Sauyo Novaliches Q.C.

Sa inisyal na report, nagpaputok ng baril ang suspek nang sinilbihan ng search warrant sa kasong paglabag sa RA 9165, dakong alas- 5:15 ng hapon (September 19) kaya’t napilitan na ring gumanti ng putok ang mga pulis

Nagtungo umano ang mga operatiba ng PS-4 Novaliches Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni PCapt. Dennis Francisco upang isilbi ang search warrant No. 5928 (19) na inisyu ni Judge Ferdinand C. Baylon Branch 77 RTC QC sa nasabing suspek.

Subalit naispatan ng suspek ang papalapit na mga awtoridad at agad itong nagpaputok ng baril sa direksiyon ng mga pulis-Novaliches kaya gumanti na rin ng pamamaril ang mga pulis.

Nabatid na ang suspek ay kabilang sa drug watchlist ng Brgy Sauyo. Nasamsam sa crime scene ang isang short firearm at drug paraphernalia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?