57

Top 5 nakaka-proud moment sa 30th SEA Games

Bukod sa paghamig ng Pilipinas ng mga medalya sa 30th Southeast Asian Games, ilan pang mga pangyayari sa nasabing biennial meet ang dapat ika-proud ng mga Pinoy sa pag-host dito.

Heto ang ilang mga moment na matagal na tatatak sa kasaysayan ng SEA Games:

Roger Casugay, PH surfing hero

Labis ang pasasalamat ng ng Indonesian surfing team kay Pinoy surfer Roger Casugay matapos niyang iligtas ang karibal na surfer na si Arip Nurhidayatnito nang anurin ng malalakas na alon sa gitna ng kanilang laban nila sa 30th SEA Games.

Dahil dito’y pinasalamatan din ni Indonesia President Joko Widodo si Casugay dahil sa pagsagip sa kababayan nito.

“My appreciation to Roger Casugay, a Filipino surfer who gave up his chance to win the gold medal in a bid to help an Indonesian athlete who fell [into the sea] during the competition,” ayon kay Jokowi.

Sweep sa basketball

Winalis ng Gilas Pilipinas ang basketball events, men’s at women’s – 3×3 at 5×5. Pang-19 basketball gold ng Filipinos sa 21 staging ng event. Si Kiefer Ravena ang naging winningest cager – five gold medals na sapul noong 2011.

Pinaka-espesyal ang Gilas women, sinipa ang five-time champion Thailand sa championship at ikinuwintas ng Pilipinas ang unang gold na ilang dekadang naging mailap sa bansa.

Silver medal sa men’s volleyball

42 taon ang hinintay ng Philippine Men’s National Volleyball team para magkaroon ng silver medal sa Southeast Asian Games.

At wala pang mas tatamis sa pag-abot nito sa harap ng mga kababayan, dagdag pa na defending champions Thailand lang naman ang pinatumba ng PH national team sa bisa ng paghahari nina Bryan Bagunas, Kim Malabunga at Marck Espejo

Pag-cheer ng mga Pinoy sa Timor Leste

Bago natapos ang taekwondo competitions nitong Linggo, nayanig ang Ninoy Aquino Stadium sa hiyawan ng Pilipino fans.
Pero hindi atleta ng Pilipinas ang tsini-cheer ng hometown crowd kundi si Imbrolia De Araujo Dos Reis Amorin ng Timor Leste.
Si Amorin ang nag-deliver ng unang medalya ng kanyang bansa sa 30th SEA Games PH 2019 nang maka-bronze sa women’s -57kg – parehong division na kinuhanan ng gold ni Pinay jin Pauline Lopez.
Sa mga unang araw pa lang ng Games, pinapalakas na ng mga Pinoy ang loob ng mga atleta ng Timor Leste para makakuha ng kahit anong kulay ng medal.

Proposal ng PH tennis player

Mas matimbang ang “oo” kaysa ginto.

Ito ang naging sandigan ni veteran tennis player Ruben Gonzales tapos ang pagsablay sa gold medal match niya sa table tennis men’s double ng 30th Southeast Asian (SEA) Games, Sabado, sa Rizal Memorial Tennis Court sa Malate, Manila.

Tapos ng laro ni Gonzales na nagdala sa kanila ni Treat Conrad Huey ng silver medal, isang “Will you marry me?” pala ang pinaka-smash niya sa kanyang long-time partner na si Michele ‘Mice’ Bumgarner, isang dating race car driver.

Matagal nang plano ito ng netter at ginusto niyang maging sentro ito ng atraksyon para masurpresa ang dyowa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?