1,052

By

Top 10 sexy pics: Sel Guevara award-winning ang body

Hindi lang sa larangan ng pagiging courtside reporter namamayagpag si Sel Guevara.

Sa kanyang Instagram account ay makikita ang mga larawan nito kung saan nagpapabatak siya ng katawan, at sumasali din sa iba’t ibang bodybuilding competition para maging isa sa mga Pinay na primyado ang magandang TV reporter.

2015 nagsimulang mahumaling si Sel sa pagpapaganda ng katawan nang magkaroon siya ng pneumonia at pumayat.

Simula nito ay kanyang ipinangako na magiging healthy na ang pamumuhay kaya napasabak sa bodybuilding.

Sa ngayon ay mayroon na ring sportswear si Sel na tinatawag na ‘Be Good’, nagpo-promote ng pagmamahal sa kahit anong body type dahil sa paglalabas ng mga size tulad ng extra small at double extra large.

Photo Courtesy of instagram.com/selguev
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?