1,101

Mar 6, 2020 @ 18:17
By

Top 10 sexy pics: Janine Gutierrez, Kylie Jenner ng ‘Pinas

Pang-international talaga ang beauty ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Noong naging cover girl ito para sa Preview Magazine noong 2018, dito na maraming nakapansin sa angking kagandahan ng aktres, na hinalintulad pa sa American model na si Kylie Jenner.

Paano namang kukulangin sa beauty si Janine kung anak siya ng dalawa sa may magandang mukha sa showbiz na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher ‘Monching’ de Leon.

Nitong linggo nga ay nag-trending ang Instagram post ni Janine matapos ibuyangyang sa Siargao ang kanyang maalindog na katawan, kung saan mayroon nang abot sa 118,000 likes ang nasabing picture.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?