17
arrested2
By

Top 1 most wanted sa Novaliches timbog

Nasakote ng mga awtoridad ang tinuturing na Top 10 Most Wanted Person ng Novaliches Police Station (PS-4) dahil sa kasong tangkang pagpatay sa isang indibidwal sa Quezon City, Martes ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/BGen. Ronnie Montejo ang suspek na si Benjamin Bolival, 28, miyembro ng LGBTQ at residente ng Area 5, Barangay Capri.

Si Bolival ay inaresto ng mga awtoridad sa kasong attempted homicide, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rebecca Guillen-Ubaña, Presiding Judge ng Quezon City Municipal Trial Court Branch 32, dakong ala-4:30 ng madaling araw (January 14) sa Nova Spot, tabi ng convenience store sa Quirino Highway, kanto ng Sarmiento St., Brgy. Novaliches Proper.

Nagtakda naman ang hukuman ng P36,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Bolival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?