30
Suspek sa pagpatay sa make-up artist ni Alden, nadakma sa Cavite
By

Top 1 drug personality sa Novaliches, nadampot

Nadakma ng mga awtoridad ang itinuturing na top 1 ‘drug personality’ sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni QCPD Director, P/Col. Ronnie Montejo ang suspek na si Roban Valenzuela, 43, may asawa at nakatira sa No. E47 Abbey Rd., Brgy. Bagbag, Novaliches, QC.

Sa report, dakong ala-1:00 ng madaling araw (November 9) nang isagawa ang buy-bust operation laban kay Valenzuela sa Jade St., corner Diamond Ave. Greenheights Subd., Brgy. San Bartolome, Novaliches .

Nabatid na umabot sa tatlong linggo ang ginawang paniniktim ng mga awtoridad kay Valenzuela bago ikinasa ang operasyon laban dito.

Isang pulis na nagkunwaring adik ang bumili ng halagang P5,000 shabu sa suspek noong ito ay arestuhin.

Nabawi mula kay Valenzuela ang tatlo pang sachet ng droga na nagkakahalaga ng P68,000, isang Remington na shotgun na loaded ng 10 bala at pampasabog.

Base sa rekord ng pulisya, si Valenzuela ay may nauna na ring kasong murder at itinuturing na No.1 drug personality sa Novaliches sa nasabing lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?