210

By

Toni winelcome na si Mikee sa pamilya

Winelcome na ni Toni Gonzaga sa kanilang pamilya si Mikee Morada, ang fiancé ng nakababata niyang kapatid na si Alex Gonzaga.

Sa pinost na larawan nilang dalawa ni Alex at napapagitnaan pa nila ang anak niyang si Seve, binati muna ni Toni ng happy birthday ang kapatid at saka nagmensahe para kay Mikee.

@celestinegonzaga, “Happy Birthday Tata!! Thank you for being the best sister, fiend and 2nd Mommy to Seve. I love you! Congratulations! It’s finally out! We are happy for you! Welcome to the family @mikee_mo.”

Tanggap na naman ng pamilya ni Toni si Mikee mula nang maging dyowa ito ni Alex, pero ngayon ay opisyal na itong kasama sa pamilya kahit engaged pa lang ang kapatid sa kasintahan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?