84

By

Tone-toneladang basura, ibabalik na sa South Korea

Nagkasundo na ang mga opisyal na ibalik sa susunod na linggo ang may 6,500 tonelada ng basura ng South Korea na itinambak sa Misamis Oriental.

Sa press briefing na ipinatawag ng Bureau of Customs (BOC) at EcoWaste Coalition, inanunsiyo ng Mindanao International Container Terminal (MICT) na target nilang ibalik ang 51 na containers ng basura sa Pyeongtaek City, South Korea sa Enero 9.

Ilan sa mga basurang ito ay mga diaper, baterya, at bombilya na maaaring magdulot ng kapahamakan.

Anang MICT, ang re-exportation ng basura sa South Korea ay dahil sa kabiguan ng consignee nito na Verde Soko Philippines Industrial Corp., na makakuha ng import permit sa Department of Environment and Natural Resources at sa misdeclaration nito sa garbage shipment bilang “plastic synthetic flakes.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?