97

By

Tom Holland yumaman sa ‘Spider-Man’

Unang lumabas ang 23-anyos na aktor na si Tom Holland bilang Spider-Man sa 2016 film na “Captain America: Civil War”.

Nakatanggap umano siya ng $250,000 o mahigit P12 million para sa kanyang role sa movie.

Ang pagiging bahagi rin niya ng movie ang dahilan kaya tinanghal siyang “youngest actor to play a title role in the Marvel Cinematic Universe” ng Guinness World Record.

Noong 2017, kumita ang unang Spider-Man film niya na “Spider-Man: Homecoming” ng $880 million sa box office, kung saan malaki-laki ang kinita ng batang aktor.

Maliban pa ito sa six-movie deal niya sa Marvel Studios at sa “Avengers: Infinity War” at “Avengers: Endgame” at ang latest film niyang “Spider-Man: Far From Home” na nakatakdang ipalabas sa susunod na buwan.

Sa kasalukuyan nasa estimated $4 million ang net worth ni Tom, ayon sa Wealthy Gorilla, o tumataginting na mahigit P205 million na maaari pang madagdagan dahil bata pa siya at nagsisimula pa lang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?