29

Mar 28, 2020 @ 10:21
By

Tom Hanks umuwi na sa Amerika

Nakabalik na sa Los Angeles, US ang celebrity couple Tom Hanks at Rita Wilson matapos ma-quarantine nang dalawang linggo dahil sa COVID-19 sa Australia.

Ayon sa TMZ, nakuhaan ang dalawa, na sakay ng kotse habang nasa siyudad, matapos lumapag sa maliit na Los Angeles area airport.

Kinumpirma ng “Forrest Gump” actor na nagpositibo silang mag-asawa sa COVID-19 noong Marso 11. Gumagawa sila noon ng pelikula ukol kay Elvis Presley.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?