270
Tolentino pasok sa Magic 12 ng Pulse Asia
By

Tolentino umabante sa bagong SWS survey

Kumakatok na sa pintuan ng Magic 12 sa Senado si administration senatorial bet Francis Tolentino matapos umabante nang malaki sa pinakabagong pre-election survey ng Social Weather Stations (SWS).

Mula sa pang-17 noong Enero, umusad na sa pang-14 na pwesto si Tolentino sa pinakasariwang resulta mula sa SWS na kinalap mula Pebrero 25 hanggang 27.

Si Tolentino din ngayon ang ikinukunsidera ng maraming eksperto na “biggest gainer” sa mga nag-aasam mahalal bilang senador sa Mayo dahil sa dating 22 porsiyento lamang ay umangat na sa 32 posiyento ang mga nagsasabi na iboboto nila ang dating akalde ng Tagaytay City at chief political adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Bukod sa pagiging miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), si Tolentino din ay bahagi ng mga ineendorsong manok sa Senado ng Hugpong ng Pagbabago na partido politkal naman ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Si Tolentino na dati ring naging chairman ng Metro Manila Development Authority ay dalawang puntos na lamang ang kailangan para sumampa sa ika-12 pwesto na kasalukuyang hawak ng kanyang kapartido na si dating Philippine National Police chief Ronald “Bato” dela Rosa.

Si independent reelectionist Sen. Grace Poe pa rin ang nanguna sa pinakabagong resulta ng SWS na sinundan ni reelectionist administration candidate Sen. Cynthia Villar.

Samantala, si dating Special Assistant to the President at PDP-Laban senatorial bet Bong Go ay umusad mula ika-lima papunta sa ikatlong pwesto.

Maraming eksperto ang nagsasabi na pantay-pantay ang tsansa ng mga senatorial bet na nakapwesto mula sa pang-walo hanggang pang -14 dahil kinokonsidera silang “statistically tied” base sa mga naglabasang numero mula sa SWS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?