79

By

Tolentino, Madayag, De Leon kabogera ng Choco Mucho

Magpapakitang-gilas para sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa Agosto ang bagong team na Choco Mucho Flying Titans.

Ibabandera nina former Ateneo Lady Eagles Maddie Madayag, Kat Tolentino, Bea De Leon ang koponan sa pamumuno head coach Oliver Almadro.

“Our edge will be our passion. Our edge will be our energy. Our edge will be our intensity,” payahag ni coach Almadro nitong Huwebes sa official team launch.

Ilan pa sa bubuo ng Flying Titans sina Kim Gequillana, Bang Pineda, Shang Berte, Arianna Angustia, Gyra Barroga, Dancel Dusaran, Shannen Palec, Erika Alkuino, Cindy Imbo, Carla Sandoval, Acy Masangkay at Dianne Ticar.

Bukod sa Choco Mucho, dapat rin abangan sa darating na Open Conference ang pagsabak ng mga bago pang koponan na Air Force at Chef Classic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?