180

By

Tolentino, Madayag, De Leon babalikwas

Pupuwersahin ng Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles na pahabain pa ang serye papasok sa Game 2 ng best-of-three finals ng UAAP season 81 women’s volleyball tournament laban sa University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses alas-4 Miyerkoles ng hapon, Mayo 15, sa Mall of Asia Arena.

Winalis ng Golden Tigresses ang Katipunan-based squad nitong Sabado 25-17, 25-16, 25-20 sa Game 1.

Tanging si opposite spiker Kat Tolentino lang ang nakasampa sa double-digit sa hinulmang 12 puntos, 10 mula sa atake, at dalawang blocks.

“Naniniwala ako sa feng shui. Nung hindi niyo kasi ako kinausap, nanalo kami. Thank you very much,” sabi ni Ateneo head coach Oliver Almadro.

“Pray for us na may Game 3, sana may Game 3. Mas maganda kung may Game 3.”

Asahan naman na reresbak sina middle blockers Maddie Madayag at Bea de Leon sa muling pagkikita nila ng UST na may tig-anim na puntos lamang nitong nakaraang laban.

“We’re still positive and we still believe,” sambit pa ni coach Almadro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?