47
Tolentino kumubra ng 32 points, Wangs nakaeskapo vs Marinero
By ,

Tolentino kumubra ng 32 points, Wangs nakaeskapo vs Marinero

Nagsimulang malamya pero umararo nang husto sa payoff period ang Wangs Basketball Couriers at naitakas nito ang 88-78 na panalo kontra Marinerong Pilipino Skippers sa 2019 PBA D-League, Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Sa mga unang minuto palang ay pabibo na agad ang Skippers at agarang bumulusok paitaas at hindi nagpadaig sa kalaban hanggang maiposte nito ang 42-38 bentahe pagpasok ng second half.

Pero matibay na depensa at magandang ball movement ang naging bala ng Couriers para mabaliktad laro hanggang sa ang tres ni Gelo Vito ss 11.7 segundo ng third ang nagpaangat sa Wangs, 58-57.

Mula rito ay umalagwa pa ang Couriers, itinala ang 11-0 run kontra Skippers, 71-57, bago ang pamatay sunog na tres ni Orlan Wamar, 5:57 ng fourth.

“So, nagfocus kami doon sa uno dos tres nila, ‘yung mga shooters. So ni-let go namin ‘yung mga bigs nila na tumitira sa perimeter huwag lang sa ilalim. Yung 1,2,3 nila na-limit namin, ‘yun yung pinag-aralan namin sa dugout,” sabi ni Wangs coach Pablo Lucas.

Matapos ang magandang run, hindi naman agarang bumitaw ang Skippers at nagpakawala rin ng malulupit na tira sa tulong nina Jed Mendoza at Felix Apreku hanggang maibaba nito sa pito, 77-70 ang bentahe ng Wangs.

Mula pito ay muli na naman umangat ang lamang ng Wangs sa likod ng 3-point play ni Arvin Tolentino at floater at freethrows ni Alejandro Inigo sa huling 1:53 ng laro at mula rito ay nahirapan ng makabalik ang Skippers.

Bumandera sa Wangs si Tolentino na pinoste ang kanyang double-double finish na 32 puntos at 12 rebounds habang umayuda naman ng 11 puntos si Angelo Tongco.

“Napakalaking bagay sa amin na napaghandaan namin ‘yung team nila. Talagang bunga ng paghahanda namin sa ensayo,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?