22
Tolentino, Choco Mucho tutunggain ang BaliPure
By

Tolentino, Choco Mucho tutunggain ang BaliPure

Masusubukan ang tikas ng bagong-saltang Choco Mucho Flying Titans sa pagharap kontra BaliPure Water Defenders sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference alas-2 Miyerkoles ng hapon sa FilOil Flying V Centre.

Ibabandera nina former Ateneo stars Maddie Madayag, Kat Tolentino at Bea De Leon ang Flying Titans kasama rin ang nagbabalik volleyball action na si multi-awarded spiker Manilla Santos-Ng.

“It’s 10 years ago [since I last played]. Sa totoo lang, I consider myself a rookie in this pro-league, bago lang ako,” pahayag ni Santos-Ng mula sa ABS-CBN Sports.

Pamumunuan ni Oliver Almadro ang Choco Mucho bilang head coach.

“Well, you know naman this Choco Mucho team will be built on passion and pride. They will be built on passion, pride and positive attitude, no matter what, win or lose,” saad ni Almadro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?