23
Tolenada, Motolite hahatawin ang Creamline
By

Tolenada, Motolite hahatawin ang Creamline

Ibang angas ang ihahatid ng Motolite sa kanilang laban sa defending champions Creamline Cool Smashers para sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre.

Miyerkoles, alas-kuwatro ng hapon, magpapakitang-gilas sina hitter Myla Pablo, Isa Molde, at Tots Carlos kasama rin ang bagong-dagdag sa koponan na si Filipino-American setter Iris Tolenada.

“I’m excited about this team, we have a lot of potential, both the players and the coaches, so I’m excited to see where this team can go in the future,” pahayag ni Tolenada sa ABS-CBN Sports.

“Honestly, I hope that we get top three or four, but the main goal is just for everyone to get better, and coming from the bottom of the conference, the team is a little bit older now, and that’s going to help us a lot, but yeah, Top 4 would be awesome.”

Samantala, galing naman sa panalo ang panig ng Creamline matapos nitong walisin ang Philippine Air Force Lady Jet Spikers sa opening day ng liga nitong Linggo, 25-23, 25-20, 25-15.

Namuno para sa Cool Smashers si opposite spiker Michele Gumabao na may 14 points, phenom Alyssa Valdez na umiskor ng 13 puntos, at middle hitter Risa Sato na humataw ng 11 markers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?