184

By

To the rescue na: Duterte nag-utos na magpakawala ng tubig ang Angat Dam

Umaksiyon na ang Malacañang sa isyu ng krisis sa tubig na nararanasan sa Metro Manila.

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na igiit sa Manila Water Company,Inc. , Maynilad Water Services, Inc. at iba pang tanggapan na magpalabas ng tubig mula sa Angat Dam.

Binigyan ng Pangulo ang mga nabanggit na ahensiya at kompanya ng hanggang alas dose ngayong tanghali, March 15 para magpalabas ng tubig na sasapat sa 150 araw.

Sinabi ni Presidenrtial Spokesman Salvador Panelo na batid ng Pangulo ang nararanasang sakripisyo at kunsimisyon ng maraming mga taga-Metro Manila dahil sa nararanasang kakulangan ng supply ng tubig kayat agad na pinakilos ang MWSS at mga water concessionaire.

“The President is directing the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) to demand from the Manila Water Company, Inc., Maynilad Water Services, Inc. and other responsible offices to release water from Angat Dam by noon time today, March 15, good for 150 days,” ani Panelo.

Nais aniya ng Pangulo na makasigurong masuplayan ng tubig ang lahat ng apektadong lugar sa Metro Manila at magkaroon ng supisyenteng tubig ang mga residente.

Ayon kay Panelo, kapag nabigong makatugon sa direktiba, personal na pupuntahan ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng MWSS at dalawang kumpanya ng tubig para mapanagot ang mga ito.

“Failure to act or comply with this directive, the President will personally go to them and make the responsible officers account for such failure,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?