98
TNT-MVP pambarangay lang! San Miguel swak sa semis
By

TNT-MVP pambarangay lang! San Miguel swak sa semis

Tila nawalan ng signal ang TNT KaTropa kontra sa bataan ng San Miguel Beer sa do-or-die game ng 2019 PBA Philippine Cup quarterfinals.

Walang naging panama ang TNT simula pa lang ng laro, maagang umalagwa ang SMB, 13-3, sa unang anim na minuto ng laban.

Hindi pa rin nakahanap ng sagot ang KaTropa, 10 puntos lang ang ipinatak sa first quarter kontra sa 25 ng San Miguel.

Sa ikalawang yugto, lalo pang lumobo ang kalamangan ng defending champions sa 26, 53-27, at hindi na nakabangon pa.

Sa naturang laban, tumapos si June Mar Fajardo ng 32 markers, perpektong 11-of-11 sa field, sahog ang 14 rebounds. Nakatuwang niya ang second-year forward na si Christian Standhardinger, umayuda ng 17 points at siyam na rebounds.

“Unang-una nagpapasalamat kami kay God na walang na-injury sa amin. Credit sa mga teammate ko at sa management. Lahat nag-step up. Nasunod ‘yung game plan namin,” ayon kay Fajardo sa postgame interview.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?