495
bangkay
By

Tiyuhin, pinsan ‘persons of interest’ sa batang ginilitan sa Caloocan

Kabilang sa “persons of interest” sa pagpatay sa 12-anyos na Grade 6 student ang mismong tiyuhin at pinsan nito.

Nadiskubre ang bangkay ni Myrrhaquel Singson na may gilit sa leeg ng kanilang helper na si Rossel Villaralbo ganap na alas-4:30 ng hapon noong Enero 23.

Kasama rin sa “persons of interest” ang naturang stay-out helper, na may anim na araw pa lamang na namamasukan sa bahay ng pamilya ng biktima.

Inimbitahan ng mga tauhan ng Caloocan City Police ang tiyuhin ng biktima na nag-iisa lang umanong may duplicate ng susi ng bahay ng mga Singson.

Maging ang pinsan ng biktima ay pinaghihinalaan din dahil dalawang cellphone ang nawawala nang mangyari ang pagpatay sa biktima.

May dati na umano kasi itong record ng pagnanakaw.

Agarang hustisya naman ang hiling ng mga magulang ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?