36

By

Tiu puring-puri si Mitchell

Pinuri ng basketball star na si Chris Tiu si NBA rookie of the year contender Donovan Mitchell matapos nitong makasama sa isang panel interview ng ‘Spida in Manila’ tour campaign sa Bonifacio Global City.

Ayon sa Elasto Painters guard, marami siyang natutunang values at lesson sa 21-anyos na si Mitchell.

Ibinahagi ni Tiu sa social media gamit ang Instagram post kung gaano siya namangha sa rookie sensation.

Aniya, hindi lamang mga baguhang atleta ang matututo kay Mitchell kundi pati na rin ang mga matatagal na sa sport.

Masaya si Tiu dahil nabigyan siya ng oportunidad na makasama si Mitchell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?