123
Jeep sinalpok ng trak; empleyada pisak
By

Titser patay, 5 sugatan sa aksidente sa Bataan

Nasawi ang isang guro ng Bataan Peninsula State University habang lima pa ang sugatan nang aksidente umanong mabangga ang sinasakyan nilang tricycle ng isang SUV sa Roman Highway sa Abucay, Bataan, Martes ng gabi.

Sa inisyal na ulat, pumanaw habang ginagamot sa Bataan General Hospital and Medical Center ang gurong si Desiree Gruela, 42, habang sugatan sa insidente sina Rodolfo Gruela, Jr., 43; John Desir Gruela, 17; Josh Deric Gruela, 10; Paul Adrian Liquin, 9; at Rhenz Mark Matacot, 8.

Batay sa pulisya, patungo umano ang Toyota Fortuner na minamaneho ng Manila Bulletin news correspondent na si Mario Supnad sa Balanga City nang aksidenteng masalpok ang tricycle na minamaneho naman ni Rodolfo Gruela.

Pero ayon kay Supnad, hindi umano ang sasakyan niya ang nakabangga sa trike kundi ang isang Nissan Patrol wagon na mabilis ang takbo sa kabilang linya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?