50

May 19, 2020 @ 21:19
By

Tirador ng panty at bra timbog sa lockdown

Hindi nagpatinag sa lockdown ang isang notoryus na magnanakaw ng panty at bra.

Inamin ni Lee Chee Kin, 39-anyos, na lumabag siya sa mahigpit na pagpapatupad ng lockdown sa Singapore para magnakaw ng mga nakasampay na panty at bra sa likod bahay.

Sabi sa ulat sa Channel News Asia, 30 beses nang nagnakaw ng panty si Lee simula noong 2018.

Nadakip siya noong Hulyo 2019 kung saan 106 na bra at pares ng panty ang nadiskubre sa isinagawang pagsalakay sa bahay niya.

Napalaya siya dahil sa piyansa pero Abril 15, 2020 kung kailan pinatupad ang lockdown ay muli siyang nagnakaw na nabisto ng may-ari ng bahay kaya balik kulungan siya.

Ginagamit daw ng suspek ang mga ninanakaw na bra at panty para sa pagpaparaos niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?