137

By

Tipid ng P19B! Lacson pinuri si Duterte sa pagbara sa ‘pork’

Suportado ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang matibay na pagbakod ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ibang mga insertion sa 2019 national budget na wala sa prayoridad ng administrasyon.

Saad ni Lacson, ang nasabing gawi ng Pangulo ay nakapagsalba ng bilyones na pondo ng pamahalaan na malaking panalo para sa mga nagbabayad ng buwis.

“If there is one act of PRRD that is worthy of admiration, this veto message is on top of my list. With his guts, glory comes to the Filipino taxpayers,” ayon sa tweet ni Lacson.

“Simple math tells us this: Php 95.3B x 20 percent (pork commission) equals Php 19.06B savings from our hard earned tax money.”

Matatandaan na simula pa lang ay inayawan na ni Lacson ang P75B insertion mula sa Kongreso dahil nangangamoy pork barrel umano ito.

Sa nilagdaan ni Duterte na national budget, kanyang nai-veto ang mga ilang item na kaugnay sa ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways na wala sa agenda ng pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?