61

By

TINGNAN: Sta. Maria de Mayan Church nawasak sa Batanes quake

Kabilang sa malubhang napinsala ng magkasunod na lindol sa Itbayat, Batanes nitong Sabado ng umaga ang Sta. Maria de Mayan Church.

Sa tweet ni Senador Richard Gordon, makikita ang pagguho ng isang bahagi ng simbahan ang pagkatanggal ng mga pader nito.

Alas-4:16 ng madaling-araw (Hulyo 27) nang yanigin ng magnitude 5.4 na lindol ang Itbayat na sinundan ng 5.9 na lindol alas-7:37 ng umaga.

Kumitil ang lindol ng walo katao at 60 sugatan.

Ang Sta. Maria de Mayan Church ay isa sa historic church sa Itbayat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?