34

By

Tingnan: Pusang mala-bampira patok sa social media

Kilalanin si Monkey, ang itim na pusa na may mala-bampirang pangil.

Siya ay isang pusang nirescue ni Nicole Rienzie sa New York.

Pauwi si Rienzie kasama ang kanyang ina nang muntikan nang mabangga ang itim na pusa.

Pagbaba nya sa kotse ay nakita ng dalaga ang isang pusa na sobrang payat, pinapalibutan ng dumi at insekto, at ay impeksyon sa mata.

“At first I tried to find him a home but I realized how much our meeting was divine alignment. I needed him just as much,” saad ni Rienze sa LoveMeow.

Matapos ang ilang mga buwan, tumubo ang ngipin ng pusa.

Doon napagtanto ng pet owner na hindi pangkaraniwang pusa si Monkey.

Lumaki nang lumaki ang ngipin ni Monkey hanggang nagmukha syang maliit na bampira.

Sinasabi nila na ang mahabang pangil sa mga pusa ay bihira pero ito ay posible talagang mangyari.

“When people look at pictures, a lot of the time they think they’re fake,” sabi ng pet owner. “I’ve had people say they’re Photoshopped. But they’re not – they’re just his funny cat teeth. They’re always amazed, wondering why they’re like that.”

Narito ang iba pang larawan ni Monkey:

Samantala, katulad ni Monkey ay naging usap-usapan din sa social media si Loki, isang pusang tulad din ni Monkey ay may mahabang pangil.

Nag-viral ang bampirang pusa sa social media dahil sa kanyang kakaibang ngipin nang mag-post ng mga litrato ang owner ng pusang si Kaet.

In-adopt din si Loki ni Kaet. “I’m not sure, when I adopted her from the shelter they didn’t give me many details about her looks,” sabi ni Kaet sa Instagram.

May mga sakit dati si Loki bago in-adopt. Pero mukhang um-okay naman ang kalagayan nya ngayon na palaging nakabalandra sa social media ang napaka-cute na pusa na si Loki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?