84

By

Tingnan : Mga larawan ni Thor, Bengal cat na may petmalung balahibo

Kinagigiliwan sa social media ang Bengal cat na si Thor.

Napakaganda ng berdeng mga mata ng naturang pusa at maraming na-aamaze sa kulay at pattern ng balahibo nito.

Sa kanyang kagandahan hindi nakakagulat kung bakit pumatok si Thor sa social media.

Sinabi ng may-ari ni Thor na si Rani Cucicov sa Bored Panda na
para umano syang alipin ng kanyang alaga dahil sa tuwing binubuksan ng pusa ang bibig nito ay agad-agad nila itong pinapakain.

“He talks all day long and if we don’t answer his meowing, he gets pissed. He seems like a child who doesn’t want to go to sleep, but after a few minutes he gets calm and goes to bed. When we have a visitor, he doesn’t run away like some cats, but he goes to check who it is and to smell their scent. And if he likes them, they will hear it from Thor himself with a few massive meows,” paliwanag ni Cucicov.

Sinasabi nila na hindi regular na domestic cats ang mga Bengal dahil meron silang bahagi ng pagka-wildcat sa kanilang DNA, kaya naman ang mga ganitong breed ay may natatanging mga katangian.

Mahilig magbabad sa tubig ang mga Bengal cat, sila din ay madaldal, at mahilig maglaro.

Ang kulay umano ng mga ito ay alinman sa marbled or striped coat, na nagkakaiba-iba mula sa itim at kulay-abo hanggang orange.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?