37

By

Tingnan: Feel na feel ang pustiso ng amo

Binahagi ng isang Twitter user ang mga larawan ng kanyang asong si Maggie habang suot ang pustiso ng kanyang tatay.

Nag-viral sa social media ang tweet ng isang netizen na nagngangalang Eunice.


Ayon sa post ni Eunice, isang araw tinanggal ng kanyang ama ang mga pustiso nito dahil masakit ang gilagid.

Nakatulog ito at doon ay nakakuha ng oportunidad ang Shih Tzu na si Maggie para subukang suotin ang pustiso.

Sinabi ni Eunice sa BuzzFeed News na nang nagising ang kanyang ama mula sa kanyang pagkakatulog ay nakita niya si Maggie sa ilalim ng lamesa ng silid nila na suot na ang kaniyang pustiso.

Humahalaklak naman na pinakita ni Eunice ang mga larawan ni Maggie sa kanyang mga katrabaho.

Matapos ibahagi ni Eunice ang mga nakakatawang litrato ni Maggie, makalipas ng ilang buwan ay nakahakot ang tweet ng mahigit 20,000 retweets at 50,000 likes.

Samantala ayon kay Eunice ay napilitang bumili ang kanyang ama ng bagong pares ng pustiso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?