51

By

TINGNAN: ‘Agimat’ sinuot na ni LeBron

Nagpakitang-gilas na ang bagong tandem nina LeBron James at Anthony Davis sa pagsisimula ng preseason sa NBA.

Unang pinadapa ng Los Angeles Lakers ang Golden State Warriors, 123-101, na sinamantala ang pagkawala ng ilang manlalaro ng GSW tulad nina Klay Thompson at Willie Cauley-Stein.

Sa nasabing laro, tumapos si James tangan ang 15 points, walong assists at tatlong rebounds sa guard role, habang may 22 points at rebounds naman si Davis.

At sa paglalaro ni LeBron ay nasilayan na rin ang kanyang bagong sapatos na Nike LeBron 16 Low x Titan “Agimat.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?