52

Mar 10, 2020 @ 9:57

TINGNAN: 4 senador naghain ng petisyon sa SC

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senate President Tito Sotto, Senador Ping Lacson, at Senador Richard Gordon kaugnay sa awtoridad ng Senado sa pagbasura ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Amerika.

Sinabi ni Drilon, na tinakdang abogado ng Senado hinggil sa petisyon, na hindi nila gustong kuwestiyunan ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang VFA, kundi upang malinaw ng SC ang kanilang awtoridad ukol sa terminasyon ng VFA at iba pang katulad na kasunduan ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?