821

By

Tindero muntik matusta! Mga batang tambay sinunog ang panindang lobo

Inis ang naramdaman ng mga netizen matapos kumalat ang isang video kung saan makikitang hinagisan ng sigarilyo ng ilang kabataan ang panindang lobo ng isang tinder sa Pandacan, Manila.

Nangyari umano ang insidente sa Zamora St, Barangay 842, kung saan nakatambay ang mga bata sa barangay hall.

Dito pinagdiskitahan ang lobo at sinunog kung saan tumambad ang tinder nito na nabigla sa pagkasunog ng kanyang mga paninda.

Nagtamo umano ng second degree burn ang balloon vendor sa bandang braso at binti.

Gayunpaman, mas pinili nitong hindi na magkaso kontra sa mga bata at nakipag-areglo na lang na P2,500 kada bata bilang pampagamot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?