109

Mar 26, 2020 @ 14:17
By

Tinawag na ‘Intsik na hilaw’: Dave Ildefonso gumanti sa Big 4 Trashtalkan

Hindi magpapaapi ang mga UAAP star sa Big Four Trashtalkan.

Sa isang Facebook group, tinag ang Ateneo player na si Dave Ildefonso sa isang picture na sinabing huwag na umano itong umiyak.

Balik naman ni Dave sa netizen, sinabi nitong hindi niya mapapantayan ang itsura ng basher kahit pa umiyak, tumae at sumuka siya ng sabay-sabay.

Naghalungkat naman ang netizen ng larawan ni Ildefonso at pinuna naman ang pagiging singkit nito at tinawag na ‘Intsik na hilaw’ sa larawan ng cager.

“Natouch naman ako na stinalk mo pa talaga ako pre. limang taon na ata yang picture na yan,” balikwas naman ni Dave.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?