5,715

By

Tinaguriang ‘Popeye’ ng Russia nilampaso sa loob ng 3-minuto

Naging ampaw ang malalaking muscles ng isang Russian bodybuilder matapos siyang ilampaso sa kanyang MMA debut sa loob lang ng tatlong minuto.

Lumaki ang mga braso ni Kirill Tereshin, 23, sa pamamagitan ng synthol injections, ayon sa Dailymail report.

Hindi naman naduwag sa malalaking muscles ni Tereshin ang 43-anyos na kalaban niyang si Oleg Mongol sa bakbakan nila sa Siberia.

Sa loob ng tatlong minuto, naihiga siya ni Mongol at nadiinan ng siko sa lalamunan.

Bunsod nito, wala nang nagawa si Tereshin kundi mag-taps out.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?