82

By

Tinaguriang gunrunner na pulis timbog sa NBI

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinaguriang gunrunner na pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Corporal Jhune Restie Elias na kasalukuyang nakatalaga sa warrant section ng Malabon City Police.

Naaktuhang nagbebenta si Elias ng illegal firearms sa NBI agent na nagpapanggap na poseur buyer.

Nakumpiska kay Elias ang P295,000 nagkakahalaga ng firearms na may defaced serial numbers at ammunition.

Ayon sa NBI, ginawa ang operasyon matapos nilang makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga iligal na aktibidad ni Elias na hinihinala ring nagsusuplay ng firearms sa gun-for-hire groups.

Prinesenta na ang suspek para sa inquest proceeding sa Quezon City Prosecutor’s Office dahil sa paglabag nito sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?