115

By

Timorese jin nagpasalamat sa mga Pinoy

Bago natapos ang taekwondo competitions nitong Linggo, nayanig ang Ninoy Aquino Stadium sa hiyawan ng Pilipino fans.

Pero hindi atleta ng Pilipinas ang tsini-cheer ng hometown crowd kundi si Imbrolia De Araujo Dos Reis Amorin ng Timor Leste.

Si Amorin ang nag-deliver ng unang medalya ng kanyang bansa sa 30th SEA Games PH 2019 nang maka-bronze sa women’s -57kg – parehong division na kinuhanan ng gold ni Pinay jin Pauline Lopez.

Sa mga unang araw pa lang ng Games, pinapalakas na ng mga Pinoy ang loob ng mga atleta ng Timor Leste para makakuha ng kahit anong kulay ng medalya.

Nang pumasok si Amorin sa semifinals, nasa likod niya ang crowd na todo-suporta sa kanya kontra Cambodian opponent.

Nang makuha ang panalo hanggang pagkuwintas ng medalya, pinapalakpakan si Amorin.

Para na siyang rock star nang makababa ng podium, dumagsa ang nakipag-selfie sa kanya.

Naiyak na si Amorin pagkatapos.

Emosyonal dahil sa kanya galing ang unang medalya ng bansa niya na mailap sa first 7 days ng Games.

At hindi makapaniwala sa mainit na suportang tinanggap mula sa home crowd.

“Thank you Philippines for supporting me,” ani Amorin. “I’m just going to say thank you to all the Pilipino people for supporting my country for the medal.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?