48

Mar 26, 2020 @ 14:39
By

Timeline sa pagpositibo ni Pimentel sa COVID-19

Umaani ngayon ng batikos si Senador Koko Pimentel matapos itong magpositibo sa coronavirus, base sa anunsyo nito noong March 25.

Ito’y dahil sa pagpunta nito sa Makati Medical Center kahit pa nakakaramdam na ito ng sintomas ng COVID-19 ilang araw bago samahan ang buntis na asawa sa ospital.

Heto ang timeline ng mga nangyari bago malaman ni Pimentel na siya’y positibo sa COVID-19.

March 11 – Ilang senador na ang nagpahayag na sila’y magse-self-quarantine tulad ni Senador Sherwin Gatchalian matapos na malamang isang resource person sa Senado ang nagpositibo sa nasabing virus.

March 14 – nagsimula nang makaramdam ng pananakit ng katawan si Pimentel, kaya naman nagsimula nang mag-self-isolate sa kanilang tahanan.

March 16 – Kinumpirma ni Senador Migz Zubiri na siya’y positibo sa COVID-19

March 16- Kasabay nito’y kinumpirma ng S&R na sa kanilang Bonifacio Global City branch ay nakita nila sa kanilang CCTV na nag-grocery pa si Pimentel kahit pa may sintomas na ito ng COVID-19.

March 18 – Nakaramdam umano siya ng lagnat na umabot ng 38 degree Celcius, pati na rin ang unting sore throat at ubo.

March 24 – Nagpunta si Pimentel sa Makati Medical Center bandang alas-6 hanggang alas-7 ng gabi para samahan ang kanyang asawa na isasailalim sa caesarian section. Alas-9 ng gabi ay tumawag umano sa kanya ang Research Institute for Tropical Medicine at binalita na siya’y positibo sa COVID-19.

Tinawagan niya umano ang OB ng kanyang asawa para sabihin ang resulta, at kaagad na umalis ng ospital.

March 25 – Inanunsyo na ni Pimentel na siya’y positibo sa COVID-19

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?