26

By ,

Timberwolves may bagong lider

Pinangalanan na ng Minnesota Timberwolves ang interim head coach nito na Ryan Saunders bilang bagong head coach ng tropa.

Mismong si Timberwolves president of basketball operations Gersson Rosas ang nag-anunsyo sa nasabing development.

“Ryan is an excellent communicator and has developed open and trusting relationships with our players. I’ve known Ryan for many years and have always respected his approach to the game, work ethic, basketball knowledge and passion,” wika ni Rosas sa isang statement.

“His coaching style and philosophies are ideal for the modern NBA and I am confident that as a partner he will get the most out of our players as we build an identity and a sustainable winning model.”

Nagpasalamat si Saunders sa tiwala at pagkakataon ang ibinigay sa kanya ng tropa na pangunahan ito at malaki aniya ang respeto nito sa organisasyon.

“I look forward to building on what we established last season in terms of instilling a positive environment for our players to grow on and off the court. I’m excited to collaborate with Gersson and our staff to build a winning team that we can all be proud of,” sabi ni Saunders.

Naging interim coach ang 33-anyos na si Saunders ng Wolves sa huling 42 games sa 2018-2019 season at sa ilalim nito mas umangat ang statistics ng bawat manlalaro gaya nina Karl-Anthony Towns at Andrew Wiggins. Taong 2014 ay bahagi ng Timberwolves organization bilang assistant coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?