45

By

Tikas ni Alas muling mamamalas

Alam ni Kiefer Ravena kung gaano kaimportante sa backcourt partner niya sa NLEX na si Kevin Alas ang unang laro tapos ang siyam na buwang pagkawala.

Nitong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum, nakapaglaro na si Alas na natengga mula noong February nang igupo ng knee injury – sa parehong tuhod na dahilan din ng halos buong season niyang pagkawala noong nakaraan taon.

Nanghinayang lang si Kiefer dahil ‘di nila nabigyan ng magandang salubong si Alas, sa mismong 28th birthday pa naman niya. Naubusan ang Road Warriors kontra NorthPort, 102-94.

Medyo wala pa sa ritmo si Alas dahil sa matagal na pagkakatengga.

“It’s going to take some time, kahit si Kevin mismo aminado, eh,” wika ni Ravena. “Sayang lang ‘di namin naipanalo dahil birthday niya ngayon. ‘Di maganda ‘yung birthday gift namin sa kanya, pero I’m sure Kevin’s gonna improve slowly, gradually.”

Sa 8-2 baraha, nakasiguro na ang Road Warriors ng puwesto sa quarterfinals, puwede pang mag-No. 1 pagkatapos ng 11-game eliminations.

Twice-to-beat ang top four sa playoffs.

Tiwala si Kiefer na magagamay na ng kanyang partner ang laro pagdating ng quarters.

“I’d say na more time for Kev,” dagdag ni Ravena. “But we’re happy to have him. Of course, he’s another weapon that we can use sa playoffs. He’s going to be fresh.”

Hinihinay-hinay lang muna ni coach Yeng Guiao si Alas, binigyan ng 7 minutes at dalawang beses tumira pero walang naipasok. Tatapusin ng Road Warriors ang eliminations laban sa Alaska sa Miyerkoles. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?