126

Jun 30, 2020 @ 18:41
By

Tigok agad: Angara dismayado sa shutdown ng Sky Direct, TV Plus

Kung sa Senado magmumula ang prangkisa ng ABS-CBN, matagal nang naaprubahan ito, ayon kay Senador Sonny Angara.

Tugon ito ni Angara sa tanong ng netizen kung may magagawa ang Senado sa pagpapatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) sa operasyon ng Sky Direct ng Sky Cable at TV Plus.

“Franchises must originate from the House; otherwise matagal na sigurong na apprub ng senado,” reply ni Angara kay @itsqueenvic.

Bago nito, nag-tweet si Angara, na hindi man lang daw naisip ng NTC ang mga taong nagtatrabaho sa naturang cable company.

Iyong iba naman daw ay pinapayagang mag-operate habang dinidinig ang prangkisa nito.

“Grabe double standard dito – yung iba pinayagan mag-operate habang dinisisyunan ang prangkisa; ito tigok kaagad. Di man Lang inisip mga tao doon,” react ni Angara sa inisyung cease and desist order ng NTC laban sa Sky Cable at TV Plus.

Ayon sa NTC, kasabay umano sa pag-expire ng prangkisa ng ABS-CBN noong Mayo 4 ang pagpaso rin ng operasyon ng Sky Cable.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?