184

By

Tigang sa sex, beer sikreto sa mahabang buhay ng kambal

Inamin ng pinakamatandang identical twin sisters sa Britain na alak at walang sex ang dahilan ng mahaba nilang buhay.

Sa interview sa 95-anyos na sina Lilian “Lil” Cox at Doris Hobday, kambal mula sa Tipton, United Kingdom, sa “This Morning” talk show, naitanong sa kanila ang sikreto nila sa long at happy life.

“No sex and plenty of Guinness,” sagot ng magkapatid.

Ipinanganak sina Lilian at Doris sa Kings Norton, Birmingham noong 1924.

Lumipat sila sa Tipton noong kanilang kabataan at dito na nanirahan.

Happily married for 65 years si Doris pero walang anak kumpara kay Lilian na may lima.

Noong July 20 nagdiwang ang kambal ng kanilang 95th birthday.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?